Pagsasakay sa Pintuan sa Unahan at Koleksyon ng Fare ay magsisimula sa 10/19
News Articles
09/23/2020
English | Español | 中文 | Tiếng Việt
Ibabalik ng AC Transit ang pagkokolekta ng fare sa Lunes, Oktubre 19.
Ipinapakilala ng AC Transit ang maraming mga pagbabago sa gitna ng pandemic ng COVID-19. Kabilang sa mga ito ang pagpapasakay sa pinto sa likod at walang pagkokolekta ng fare para mapadali ang social distancing at makatulong na maprotektahan ang kaligtasan ng aming mga rider at operator.
Dagdag pa dito, ipinakilala ng AC Transit ang reNew Plan ona nagbabalangkas sa aming pananagutan na mapahusay ang mga pamamalakad sa kalusugan at kaligtasan. Kabilang sa mga ito ang installation ng face mask at mga hand sanitizer dispenser sa loob ng bus. Sinimulan na rin namin ang pagkakabit sa aming mga bus ng protective barrier para makatulong na maprotektahan ang aming mga operator at rider sa may area ng farebox, at habang ang bus ay tumatakbo.
Ang installation ng mga dispenser at protective shield ay nakatakdang matapos sa Biyernes, Oktubre 16. Kasunod ng mga update na ito, ang pagkokolekta ng fare at ang pagpapasakay sa pintuan sa unahan ay ibabalik sa Lunes, Oktubre 19, 2020.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lang i-check ang Fares and Clipper page sa aming site, makipag-ugnayan sa Customer Call Center sa 510-891-4777, o isumite ang input sa AC Transit website.
Kailangan mo pa ba ng tulong? Mga Madalas na Katanungan (FAQ).
Salamat sa inyong pagsakay sa AC Transit.